Oh yeah.. yan ang song na paulit ulit na tumutugtug sa bahay namin dahil sa baby sister ko na super fan ng High School Musical.. Zach Efron and Vannesa Hudgens fan sya… We even watched the recently showed High School Musical 3 with matching pila sa SM Cinema for the first time Pumila ako para makanuod ng Sine.. I slept through the whole film though nagsinungaling ako sa little sister ko na naenjoy ko yung film just not to upset her.. .. sa bahay namin its a typical pinoy home… kahit may asawa na ko kasama ko pa din ang buong pamilya.. infairness for the first 3 years of our marriage naka-bukod kame.. but when my dad had Leukemia nag isa na lang kame mg bahay para may salitan sa pag aalaga and even my dad has passed away (see you in heaven daddy) eh we decided to stay there pa din.. I don’t want to leave my mom and my sisters alone.. I am the Eldest of Three Daughters… Si Mommy bonggang bonggang Call Center Agent.. grooving groovy at super sexy pa din.. I am proud to say my mom is you r typical non-domestic mommy.. she has been working all her life nad never talagang naging stay home mom.. so lumaki kame sa yaya or with ourselves.. very independent kame cause daddy is an OFW.. I started doing household chores at the early age of 11.. marunong na ko mag saing mag isa dahil yung yaya namin si ate TATA busy sa girlfriend nya (Tomboy Sya Eh).. so pag sinabi nya.. “ekang mag saing ka na at dito lang ako sa may tindahan, bantayan mo ang little sister mo” .. eh I will gladly oblige.. kahit nasusnugan ako ng sinaing dahil naman nakikipagtelebabad ako sa childhood sweetheart ko ay okey lang di na nahahalata ni mami yun.. hate na hate ko ang paghuhugas ng pinggan as in paglabahin mu na ko wag lang maghugas ng pinggan.. up to now asawa ko ang naghuhugas ngf pinggan dahil alam nya mababad trip ako… YUng sumunod sa kin si Ditche ( chinese term for second Daughter) sya naman ang talagang super tamad pareho sila ni Bunso.. alam mo yung kailangan mo muna magalit at mag drama para lang sundin nila yung inuutos sa kanila… ganun.. so sa bahay.. pag gutom ka magluto ka ng pagkain mo… Pag super tambak na ang hugasan sa lababao kanya kanaya nang alibi yan.. porket nahihilo.. or aalis or pagod na pagod na dahil sya ang naghain kanina.. yung mga ganung normal na scene sa isang typical filipino family.. pero okay lang enjoy naman kase pag dumadating si Ate Sylvia.. Yung stay-out naming Yaya.. magaling sya maglinis.. pero badtrip lang pag minsan eh hindi sya dumadating so titigan kame sa bahay kung sino ang kikilos.. kahit ganun hindi ko pagpapalit ang buhay namin kahit saan.. though okay din kung may extra kame na 300 miollion Pesos.. okay din..Ang mga kapatid ko very active sa music parang ako din.. nagjajamming kame sa bahay.. ako sa gitara at kanta.. sila sa Violin at minsan sa kanta din.. naglalaro kame ng counter strike.. nag titirintas ng kanya kanyang buhok.. nagfafshion show pag may mga bagong biling damit si mommy para sa amin.. kakain kame sa SM sa MAx’s na paborito ni Mami.. pag sobrang init mag aambagan para makapagswimming sa resort na malapit sa min..pag wala talagang extra money eh mag momovie marathon kame sa DVD player.. sa simpleng bagay na to nasasabi namin masaya kameng pamilya.. Nagkakatampuhan man eh in one day lumilipas din at nakakalimutan din agad… Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko na na ganito kame kesa naman may naghuhugas nga ng pinggan eh hindi naman kame nagpapansinan or may kanya kanya kameng mudo mahirap ata yun.. biruin mu marami akong kilala jan (no offense sa mga kaibigan ko sa alta sociadad) pero nakakita kao ng mga pamilya na limpak limpak ang salapi pero naman as in.. ganito ang scenario..
Si Carla kaibigan ko.. naka MAzda 3 .. punta daw kame sa kanila at mag internet.. so sama naman ako.. pagdating sa kanila may BMW nakaparada sa garahe..
Carla: naku nanay ko bumili nanaman ng kotse
Kai (ako): Syala!! bkwet ano ba sasakyan nya dati…
Carla: Chrvolet ata yun.. 1 month na kase kame hindi nagpapang abot dito sa bahay!
Kai: O? eh di miss mo na mama mo??
Carla: Whatever?! Haller ?! Sanay na ko.. minsan nga 3 months bago kame magkita eh..
Kai: AHh bket san ba nag aabroad nanay mu..
Carla: Hindi.. Dito lang yan Pinas
Kai: ha?! (clueless, ayaw ko na magtanung pa at pumapangit na ang mukha nya)..
Bumaba kame ng sasakyan, si Carla parang nakabusangot at nababadtyrip dahil di sya nakapag park ng maayos..nagkatinginan sila ng nanay nya.. nakita din ako.. sabi ko sa nanay nya ” Good Afternoon po” … tumango lang ang nanay nya.. Si Carla sabi ” Si Kai, Kaklase KO”. sabay tango ulit ng nanay nya..
Dirediretso kame ni Carla sa Kwarto..
Kai: Uy hindi ba dyahe sa Mommy mo??
Carla: Sus okay lang yan.. mamaya alis na din yan
Kai: O dba kakarating nya lang..
Carla: Oo kukuha lang ng Gold Bars yan! alis na din..
Kai: Gold Bars talaga.. haha.. anu ba friend may gap ba kayo ng nanay mo?? parang kulang kayo sa bonding..
Carla: Hindi ah good terms pa kame nyan sa lagay na yan.. Kase pag bad terms kame 50K lang ang baon ko sa isang linggo, pero kahapon pag tingin ko sa ATM ko 75K kaya good terms kame.. Wag mo na isipin ang bonding pag paski naman nag nonoche buena kame… sa Hacienda namin sa Batangas.. Yun.. alam Kai mas okay na ganito.. nagagawa ko gusto.. punta ko sa Palawan for One week wealang nakaalam yung katulong lang.. siguro pag naaksidente ako sa mga road trip ko sa Sagada one month pa bago ako ipahanap dahil wala sila Idea na wala pala ko sa bahay…. kesa katulad mo na pupunta ka lang sa SM magpapaalam ka pa…
Kai: Aba nag reklamo ka pa sa pagiging conservative ng nanay ko ( sabay ngiti ako pero sa loob ko.. kawawang Carla)
SI Carla.. sarap ng buhay … dami pera.. nagagwa lahat ng gusto.. nag iisang anak.. bigay lahat ng luho.. a typical sad story ng isang marangyang pamilyang Pilipino.. Dapat ba ako mainggit?
OO siguro dahil ang dami nilang Pera.. Oo cguro dahil lahat ng gusto nyang gawin nagagawa nya..pero naisip ko.. maswerte pa din ako.. kahit na sa SM lang ako pupunta kailangan ko pa iplaiwanag kung bakit ako pupunta at 1 hour lang ako dapat mawala.. eh ubuhin lang ako ng konti natataranta na ang nanay koo kung anung gamot ang ibibgay at hidi na ako pinapatayo ng kama.. si Carla kaya?? WEll sabi nya nga “Whatever?!”.. misan ko na sa mga ganitong istorya natitymbang ang kaghalagahn ng pamilya at pera… anu nga ba ang mahalaga.. hindi ko din alam ang saktong sagot.. meron din naman ibang pamilya.. sam-sama nga pero walng wala naman .. as in 2 beses lang kumakain sa isang araw.. may mga hindi nagaaral na mga kapatid.. pero payak na payak ang pamumuhay.. masasabi mo bang masaya talaga sila na samasama kahit walang pera?? ewan ko.. siguro.. bahala na si Batman sa sagot!
Live, Laugh, Love and Get Drunk
No Comments Yet
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
